DAGUPAN CITY–Inaalam ngayon ng mga otoridad kung miyembro ng gun for hire ang dalawang mga kalalakihang hinuli dahil sa kahina-hinalang kilos sa bayan ng Urbiztondo.

Ito ang nabatid sa pagharap sa media ni Mayor Martin Raul Sison II, kasabay ng pagpresenta sa mga nahuling suspek na hindi muna pinangalanan.

Aniya, ang pagkahuli sa mga ito ay resulta ng pakikipagtulungan ng publiko na magreport ng mga kahina-hinalang kilos sa kanilang lugar.

--Ads--
Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison II

Dagdag pa ni Sison, nang matanong ang mga suspek, ay magkaiba at kahina-hinala ang kanilang tugon dahilan upang sila ay ikostudiya at imbestigahan kung miyembro ng mga gun for hire group ang mga ito dahil na rin sa kargadong baril na nakuha mula sa kanila.

Samantala, hindi naman nito naiwasan na madismaya dahil hindi maibigay ang katahimikan na kaniyang hinihiling sa kanilang bayan, ilang linggo matapos na pagbabarilin sa biktimang si Jeric Caguiao driver bodyguard ni Mayor Raul Martin Sison II na agad nitong ikinasawi.

Tila wala na aniyang kinatatakutan ang nasa likod nito kayat ipinagpapasa-Dyos nalamang niya ang lahat.

Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison II