Aabot sa 300 kilo ng mga frozen meat ang kinumpiska ng mga otoridad sa lungsod ng San Carlos, kasunod ng pinaigting na operasyon ng mga otoridad sa lalawigan ng Pangasinan upang malabanan ang pagkalat ng African Swine Fever.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Dr. Solomon Gabuyan, San Carlos City Veterinarian, noong mga nakaraang araw pa ay mayroong ng sinita dahil sa umiiral na temporary ban sa pagpasok hindi lamang ng mga buhay na baboy kundi maging sa mga produktong gawa mula rito dito sa probisya.

Subalit, mayroon parin aniyang pasaway na tindera kayat isinailalim ito sa surveillance hanggang sa mahuli sa akto kasama ang kaniyang delivery man sa pagbabagsak ng frozen meat sa mismong tahanan nito.

--Ads--

Nabatid na ang mga assorted frozen meat na nakumpiska ay mula sa lalawigan ng Tarlac.

Dagdag pa ni Dr. Solomon, sa ngayon ang mga suspek at mga nakumpiskang produkto ay nasa kostudiya na ng PNP.