Nagkakaroon na ng looting incident sa mga establisyimento sa California kasunod ng nangyaring 6.4 magnitude at 7.1 magnitude na lindol noong nakaraang linggo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kinumpirma ni Professor Gabriel Ortigoza ng University of California Davis na may mga ibang residente doon na pumapasok sa mga biyak na bintana ng mga establisyemento partikular ng mga grocery stores at nagnanakaw ng mga de latang pagkain maging ng wine.

Ngunit nilinaw naman ni Ortigoza na isolated incident lamang ito base na rin sa mga ulat na lumalabas dahil kontrolado ng mga awtoridad ang peace and order doon.

--Ads--
voice of Profesor Gabriel Ortigoza

Sa ngayon aniya, patuloy ang ginagawang monitoring ng USGS kasama ang kanilang Fire Department para magsurvey sa mga lugar katulad ng electric power lines na maaring maging sanhi ng sunog kung magkaroon muli ng malakas na aftershocks.

Gumagawa naman na aniya ng tent at sa bakuran na lamang natutulog ang mga residente sa California sa takot na gumuho at matabunan sa loob ng kanilang tahanan.