DAGUPAN CITY–Desididong ipakulong ng isang lola ang kanyang kinakasama matapos na gahasain nito ang kanyang siyam na taong gulang na apo sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalaro lang siya sa labas ng kanilang bahay nang tawagin siya 73 anyos na suspek at dinala sa bahay kubo sa gitna ng talahiban.

Nabatid na noon pang Hunyo nang simulang gahasain ang biktima.

--Ads--

Samantala, galit at hinagpis ang nararamdaman ng ina sa sinapit ng bata lalo pat nag iisa niya itong anak.

Nakasampa na ang kaso laban sa suspek.