Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin niyo kung may nakikita kayong binubully?

Paalala lamang mga kabombo! Huwag pong gayahin ang ulat na ito.

Ayon kasi sa report, nagdilim daw ang paningin ng 53-anyos na ama kaya nagawa niyang suntukin ang isang 6-anyos na bata sa eskuwelahan.

--Ads--

Ang rason nito, sinipa raw kasi ng bata ang biktima ng kanyang classmate na anak pala ng 53 anyos na private-hire driver sa Singapore.

Ayon sa court documents, sakay ng kotse, pumunta ang akusado at misis nito sa school para sunduin ang kanilang anak noong nakaraang taon (October 18, 2023.)

Lumalabas naman na nagsumbong ang misis nito sa mister makaraang bumaba sa kotse ang misis para sunduin ang anak.

Agad namang umamin ang akusado sa kanyang kasalanan sa harap ng hukuman. At binayaran nito ang 440.65 Singaporean dollars o katumbas ng P19,000 na nagastos para ipagamot ang batang sinuntok.