DAGUPAN CITY- Nadakip ang isang 51-anyos na lalaki sa bayan ng Alcala matapos mahulihan ng tatlong baril at isang granada sa kanyang pangangalaga.
Nahuli ito sa Barangay Laoac sa bayan sa bisa ng search warrant na ipinatupad ng Alcala Municipal Police Station dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Kinilala ang suspek bilang isang magsasaka at residente sa Brgy. Anulid.
Nakumpiska dito ang mga sumusunod gaya ng Dalawang (2) Caliber .45 na baril, Isang (1) Carbine na baril, Tatlong (3) magazine para sa Caliber .45, Apat (4) na magazine para sa Caliber .30, Isang (1) handheld grenade, Dalawampu’t tatlo (23) na bala para sa Caliber .45, Dalawampu’t isa (21) na bala para sa Caliber .30 at Isang (1) itim na sling bag
Matapos nito ay dinala ang mga nakumpiskang ebidensya at suspek sa himpilan ng kapulisan para sa tamang disposisyon.