BOMBO DAGUPAN – Umabot sa limang katao ang nasawi habang isa ang sugatan matapos na sila ay pagbabarilin sa North Las Vegas sa Estados Unidos.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng apat na babae at isang lalaki habang sugatan at nasa kritikal na kondisyon ang 13-anyos na dalagita.

Kinilala ang suspek na si Eric Adams, 47-anyos.

--Ads--

Ayon sa kapulisan si Adams ay armado ng baril nang ito ay maklita sa backyard ng isang residence sa Dwayne Stedman Avenue malapit sa MLK Boulevard and Balzar Avenue.

Kinausap pa ng mga pulis si Adams upang isuko ang dalang armas ngunit nagpakamatay din ang suspek ng ito ay kanilang komprontahin.