DAGUPAN CITY- Dead on the spot ang isang 42 anyos na babae matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang elf truck sa Brgy. Catuday, sa bayan ng Bolinao.

Ayon kay PCapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan PPO, Kinilala ang biktima na si Jinky Nafura, rice milled agent, residente ng Brgy. Dacap Sur, bayan ng Bani. Minamahaneho naman ni Ian Christopher Quila, 37 anyos, delivery truck driver, residente ng bayan ng Mangatarem. Habang sakay naman nito sina Jason Sagsagat, 36 anyos, riced milled agent, at Arnold Castil, 22 anyos, driver helper, parehong residente ng Brgy. Garrita, sa bayan ng Bani. At sina Christian Cabares, 23 years old, at si Romulo Espiritu, 33 years old, parehong driver helper at residente sa bayan ng Mangatarem.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, tinatahak ng kanilang sinasakyan ang naturang daan upang magdeliver ng bigas. Nang pababa na ang kanilang daan, sinubukan ni Quila na pabagalin ang kanilang takbo ngunit hindi umano gumagana ang preno. Upang makaiwas sa anumang insidente, ibinangga ito ng driver sa isang rock formation wall ngunit nagpanic umano si Nafura na nag-udyok sakaniya na tumalon mula sa kanilang sinasakyan. Subalit, sa kasamaang palad ay nagulungan ng kanilang truck si Nafura na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkasawi.

--Ads--

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa katawan ang iba pang mga sakay ng naturang delivery truck. Dinala naman ang mga ito sa malapit na ospital.