Dagupan City – Sinaksak sa leeg ang 39-anyos na lalaki sa bayan ng Burgos, Pangasinan, matapos na umawat sa away mag-asawa.
Ayon kay PMAJ. Conrado Norial, Chief of Police ng Burgos Police Station, natuklasan na bago ang insidente ay nagkaroon pa ng inuman ang suspek na si Roming Navida, 39-anyos, isang magsasaka, at residente ng Barangay Anapao kasama ang kanyang mga kapitbahay sa naturang lugar.
Matapos ang nasabing inuman, nagkaroon pa umano ng mainit na pagtatalo ang suspek at ang kanyang asawang si Joyce Rosete. Pinaamo pa naman ito ni Dereck Batalla, 46-anyos, kapwa magsasaka ni Navida at residente rin ng nasabing lugar.
Ngunit biglang kumuha ng patalim ang asawa ni Rosete partikular na ng bolo at agad na pumasok sa bahay ng biktima. Dito na sinaksak sa likuran ng leeg ang biktima.
Agad namang dinala ng mga tauhan ng pulisya si Batalla at ang naarestong suspek sa Hospital para sa tulong medikal.
Sa kasalukuyan, patuloy namang binabantayan ng hanay ng kapulisan ang suspek at nahaharap ito sa kasong frustrated murder.