BOMBO RADYO DAGUPAN – Nasawi ang isang 38 anyos na lalaki matapos kitilin ang sariling buhay sa kanilang tahanan sa Barangay Sta. Rosa, sa bayan ng Binmaley.
Ayon PCAPT. Bryan Alvin Cabe, Deputy Chief for Operation sa Binamley PS, nakatanggap ang kanilang himpilan ng report ukol sa insidente na kanila ring agad na nirespondehan.
Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ng babaeng kapatid ng biktima ang insidente bandang alas 6: 50 ng gabi sa kwarto din mismo ng biktima.
Sa kaniyang salaysay , natagpuan na lamang nitong nakalambitin na ang kaniyang kapatid habang nakatali ang leeg sa nylon rope. Agad naman pinutol ng kapatid ng biktima ang tali at inihiga ito upang isagawa ang cardiopulmonary resuscitation ngunit wala nang naging reaksyon pa ang katawan.
Idineklara din itong Dead on Arrival sa ospital.
Ayon naman sa ina ng biktima, na-diagnosed ang nasabing anak nito ng sakit na paranoid schezoprenia at kamakailang na-admit pa ito sa Mental Hospital sa lungsod ng Baguio.
Samantala, paalala naman ni PCAPT. Cabe na tulungan na lamang ang mga taong nakararanas ng anumang klase ng depresyon at wag na lamang tuksuin sapagkat hindi biro ang ganitong kalagayan.