DAGUPAN CITY–Patay ang 37 anyos na miyembro ng Civilian Auxiliary matapos na mahulog sa hanggang 10 talampakang lalim ng bangin ang sinasakyang garong sa barangay Parian , Mangatarem Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Loresco Banez.

Halos mahati ang katawan ng biktima matapos tumama sa bakal ang kanyang baywang.

--Ads--

Tumalon umano ang biktima mula sa garong sa pag aakalang makakaligtas siya sa aksidente.

Ayon sa pulisya, posibleng nawalan ng preno ang garong dahilan ng aksidente.

Samantala, ligtas naman at nagpapagaling sa ospital ang driber ng garong.