BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo! Looking young at your age ba ang nais mo? Yung tipong kahit nagkaka-edad na ay napagkakamalhan paring teenager?

Aba yan ang “sana all”. Isang lalaki kasi sa Detroit, Michigan sa Estados Unidos na si Brandon Miles May ang napagkakamalang teen pero ang totoo ay 35 years old na siya.

Bagamat ang ibang tao ay sobrang batang tingnan dahil sa hormonal disorder, sa kaso ni Brandon, napanatili niya ang kanyang youthful look dahil sa kanyang lifestyle.

--Ads--

Siya ay isang social media content creator, at kalimitan sa mga videos nito ay nagbabahagi ng kanyang anti-aging regimen at balanced diet, pati na rin pag-iwas sa matinding sikat ng araw at disiplinadong pagtulog sa loob ng walong oras mula gabi hanggang umaga.

Diba? tamang oras pala ng pagtulog ang nais.

Sa isa niyang video, sinabi ni Brandon na madalas siyang masita ng airport security kapag bumibiyahe siya kung saan tinatanong umano siya ng mga guwardiya kung ilang taon na siya dahil mukha siyang teenager. Kapag sinabi naman niya ang tunay na edad, tinitingnan siya ng mga ito nang may pagdududa.

Pagbabahagi nito na wala umano siyang ipinaretoke o ipinaayos sa kanyang mukha at katawan at tanging sambit lang niya “What I do is pretty simple but effective.”

Aminado ito na simula pagkabata ay sobrang conscious na siya sa kanyang kalusugan kaya’t pagsapit niya sa edad na 13, iniwasan na niya ang magbabad nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw at binago rin niya ang kanyang diet—na ngayon ay puro prutas, isda, at plant-based food.