DAGUPAN CITY- Kulungan ang bagsak ng 31 indibidwal matapos na maaresto ng Pangasinan Police Provincial Office mula sa iba’t ibang serye sa kanilang isinagawang operasyon mula Hunyo 8 hanggang 14, taong kasalukuyan o sa loob lamang ng isang linggo

Ayon sa tanggapan ito ay kinabibilangan ng dalawang (2) Most Wanted Persons at 29 na iba pang wanted persons ang naaresto sa iba’t ibang bayan at lungsod ng probinsya.

Ang matagumpay na pagkakaaresto ng mga ito ay dahil sa patuloy na kampanya at maigting na pagpapatupad sa mga batas ng kapulisan laban sa mga kriminal sa pamamagitan ng Manhunt Charlie program, na nilalayong hulihin ang mga indibidwal na may nakabinbing mga kaso at panagutin sila sa batas.

--Ads--

Ipinagpasalamat naman ito ni PColl. Ricardo David ang siyang cting provincial director dahil malaking tulong ang tuloy tuloy na koordinasyon ng bawat station sa kanilang kumunidda upang matiyak ang ligtas at maayos na kanilang lugar.

Kaugnay nito ang Pangasinan PNP ay nananawagan sa publiko na magtulungan sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kriminal na hinahanap ng batas, upang makamit ang hustisya at kapayapaan sa komunidad.