Dagupan City – Sisimulan na ang pagtatayo ng 288 na yunit ng pabahay sa bayan ng Asingan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyong Marcos Jr.

Kamakailan ay isinagawa na ang construction kick-off ceremony sa Barangay Carosucan Norte sa nasabing bayan.

Ang proyekto, isang pakikipagtulungan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng lokal na pamahalaan ng Asingan.

--Ads--

Binubuo ang nasabing pabahay ng tatlong 4 storey building na maglalaman ng mga yunit na may tig-27 square meters.

Bukod sa mga tirahan, mayroon ding mga ibibigay na amenity tulad ng swimming pool, playground, clubhouse, at parking spaces para sa ginhawa ng mga residente.

Nagpahayag ng pasasalamat si Assistant Secretary Daryll Bryan Villanueva, pinuno ng 4PH North Luzon Cluster, sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pagtugon sa pangangailangan para sa abot-kayang pabahay.

Inaasahang malaking tulong ang proyektong ito sa mga mamamayan ng Pangasinan na nangangailangan ng disenteng tirahan.