DAGUPAN CITY- Hindi na nagawa pang makaligtas ng isang 28 taon gulang na lalaki sa bayan ng Mangatarem matapos na mabangga ng isang truck ang minamaneho nitong motorsiklo

Ayon sa sa panayam kay Police Executive Master Sergeant (PEMS) Ranny C Bataan, Municipal Executive Senior Police Officer ng Mangatarem Municipal Police station, na dakong alas 7:10 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahagi ng brgy. Bueno sa nasabing bayan na kung saan kinasasangkutan ng isang truck na minamaneho ni Jerico Banda De Guzman, 25 taong gulang, residente ng Brgy. San Vicente, San Jacinto habang ang biktima naman na si Gibby Caguioa Sison, 28 taong gulang ang nagmamay-ari ng isang motorcycle at residente ng Brgy. Cabaruan sa bayan ng Mangatarem.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad na ang dalawa ay kapwa binabaybay ang kahabaan ng Romulo Highway sa Brgy. Bueno na kung saan ang truck ay patungo sa hilagang direksyon habang ang motor naman ay sa timog na direksyon. Anya na na-out balance ang biktima kaya naman napunta ito sa linya ng kasalubong nyang truck, sinubukan pang iwasan ng nagmamaneho ng truck ang motorskilo ngunit sa kamaang palad ay nahagip ito na nagresulta sa malakas na impact at nakapagtamo ng serious head injury ang biktima.

--Ads--

Sinubukan pa itong dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ngunit ideneklara na itong dead on arrival. Habang wala namang natamong sugat ang driver ng truck.

Napagalaman din na walang suot na Kahit anumang protective gear ang biktima.