BOMBO DAGUPAN – Arestado ang Top 2 most wanted person in municipal level na may kasong statutory rape sa bayan ng Mabini.

Ayon kay PCAPT. Bonald Paragas COP, Mabini PNP na magpinsan ang suspek at ang biktima kung saan base sa impormasyong nakalap ng pulisya, sa loob mismo ng bahay ng biktima nangyari ang panghahalay matapos umanong pasukin ito ng suspek.

Napag-alaman naman sa imbestigasyon na 18 taong gulang na ang suspek at residente ito ng Brgy. Capantolan sa bayan ng Sual.

--Ads--

Samantala, kaugnay sa kasong kinakaharap nito ay walang inirekomendang piyensa o tinatawag na non-bailable.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Mabini MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Habang dinala naman sa Dasol Commuty Hospital ang biktima para sa medikal na pagsusuri.

Paalala naman ni Paragas lalo na sa mga magulang na maging mapagmatyag sa pagbabantay sa kanilang mga anak at huwag basta-basta magtitiwala para maiwasan ang nasabing krimen.