Naipasakamay na sa 1,698 na iskolar ang knailang allowance para sa ikalawang semestre ng 2024-2025 sa lungsod ng Alaminos.
Ang mga nakatanggap ay iskolar sa sa ilalim ng Alaminos City Scholarship Program na patuloy na nagsisilbing ilaw ng pag-asa para sa mga estudyante sa lungsod.
Sa ilalim ng pamumuno ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Arth Bryan Celeste at ang dedikasyon ng mga iskolar, ang programa ay nakatakdang lumikha ng mas maliwanag na hinaharap para sa mga ito. At tulungan ang mga kabataan ng Alaminos City na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.
--Ads--
Bukod sa distribusyon ay muling ipinaalala rin sa Mga iskolar ang kahalagahan sa kanilang pag-aaral at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa ACSP.