Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa sampung stalls ng mga RTW at tindahan ng prutas malapit sa Malimgas market sa bahagi ng Galvan Street dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa initial na impormasyon na nakalap ng bombo radyo Dagupan,  nagsimula ang sunog dakong ala -una kaninang tanghali at naapula lamang bandang ala-4 kaninang hapon.

Sa paunang ulat, napabayaang na charge na cellphone ang pinagmulan ng apoy.

--Ads--

Mabilis ang pagkalat ng apoy kaya mabilis ding natupok ang mga paninda. wala namang napaulat na nasugatan o nasaktan sa insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang  sunog.