DAGUPAN CITY–Patay ang isa habang sugatan ang lima pa matapos sumabog ang gulong ng isang truck sa TPLEX South Bound, Brgy Cayambanan, sa Urdaneta City Pangasinan.

Ayon kay PCapt. Anthony Quatesma, ang Investigation Officer ng Urdaneta City PNP, binabalagtas ng isang isuzu truck na may lamang tatlong katao ang tplex nang biglang sumabog ang isang gulong nito .

Bilang resulta, dahil nakadagdag pa ang ulan at madulas na daanan ay nawalan ang driver ng kontrol at tumama sa semento ang sasakyan

--Ads--

Ang kasunod naman nitong Toyota Hiace na may lamang tatlong katao ay bumangga sa tumaob na truck

Itinakbo naman sa Urdaneta District Hospital ang mga nasugatan ngunit sa kasamaang palad ay dead on arrival ang isa sa sakay ng truck na si Joseph Competente

Nagpaalala naman ang naturang opisyal sa mga nagmamaneho na magdahan dahan at huwag magmadali lalo na kapag maulan at madulas ang daanan