Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano.
Papalitan ni Zalameda si Chief Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro bukas, Nobyembre 6.
--Ads--
Mahigit tatlong dekada nang naglilingkod sa hudikatura si Zalameda, mula sa pagiging opisyal ng korte at piskal hanggang sa Court of Appeals at Korte Suprema.
Ayon kay Cayetano, tiwala ang Pangulo na gagampanan ni Zalameda ang tungkulin nang may integridad, walang kinikilingan at may buong pagsunod sa batas.
Nagpasalamat din ang Palasyo kay Gesmundo sa kanyang serbisyo sa hudikatura at sa bansa.










