Nagdulot ng matinding pagtutol mula sa ilang mahistrado ng Korte Suprema ang pagbasura sa mga petisyong kumukuwestiyon sa pag-aresto at paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Bagama’t idineklara ng 9-4 mayorya ng SC En Banc na moot na ang mga petisyon dahil nasa kustodiya na ng ICC si Duterte, iginiit nina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justice Ramon Paul Hernando na dapat sinuri ang legalidad ng hakbang ng gobyerno.

Binalaan ni Leonen na ang pananahimik ng Korte Suprema ay nag-iiwan ng kakulangan sa gabay tungkol sa limitasyon ng kapangyarihan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga international arrest warrant at sa mga obligasyon sa ilalim ng Rome Statute.

--Ads--

Samantala, direktang kinontra ni Hernando ang paglilipat kay Duterte dahil sa umano’y paglabag sa mga pangunahing karapatan at kinwestyon ang konstitusyonalidad ng Section 17 ng Republic Act 9851.