Wala pang pinal na desisyon ang tanggapan ng Pamana Water Dagupan City sa pagkakaroon ng adjustment pagdating sa singil sa pagbabayad ng tubig o water rate increase.

Ayon kay Marge Navata – Spokesperson, PAMANA Water Dagupan City sa katunuyan ay mayroon nang agreement kaugnay sa water increase noon pang nakaraang tao pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito ipinapatupad at patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng kanilang tanggapan at gayundin ang pagkonsidera sa mga consumers nito.

Samantala, isa naman sa pinag-aaralan ngayon ng kanilang tanggapan kung paano mapapalakas ang pressure ng tubig mula naman sa mga barangay islad tulad na lamang sa calmay at carael.

--Ads--

Kung saan isa sa kanilang nakikitang paraan ay ang paglalagay ng pumping station sa mga barangay para sa serbisyo ng mga residente na nakatira sa mga isla.