Kumpirmado ng Office of the Vice President (OVP) na si Vice President Sara Duterte ay nasa isang overseas trip na may mga nakatakdang aktibidad sa Qatar, United Kingdom, at Netherlands.

Kabilang dito ang pagdalo sa isang forum, pakikipag-ugnayan sa Filipino community, at iba pang gawain.

Ayon sa OVP, walang gagamiting pondo ng pamahalaan para sa buong biyahe ng Bise Presidente.

--Ads--

Ang kanyang pag-alis ay naganap kasabay ng impeachment trial sa Senado.

Sa pagdinig ngayong araw, humarap bilang huling testigo ng prosekusyon si NBI Director Melvin Matibag para sa Article IV ng impeachment complaint.

Noong nakaraang araw, naglabas din ng subpoena ang impeachment court para sa mga bank records, tax documents, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) files ni Duterte, kaugnay ng Article II na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth.