Buo ang tiwala ng TV host-comedian na si Vhong Navarro sa sistema ng hustisya sa bansa sa kabila ng mga naging hamon sa kanyang mahabang pakikipaglaban upang makamit ito.
Ito’y makaraang maglabas ng desisyon ang Court of Appeals (CA) na nag-uutos sa pagpapalaya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee, na nahatulan sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ni Vhong laban sa kanila.
Kasama sa mga nahatulan ang mga kapwa akusado nina Deniece at Cedric na sina Simeon Raz at Ferdinand Guerrero, kaugnay ng insidente ng pag-set up at pambubugbog sa aktor noong January 22, 2014.
Ayon sa legal counsel niyang si Atty. Alma Mallonga nitong Linggo,nagbigay sila ng reaksiyon sa napipintong paglaya nina Deniece at Cedric.
Naniniwala rin si Vhong na sa kabila ng mga pagkukulang ng sistema ng hustisya, mananaig ang katotohanan at magkakaroon ng makatarungang resolusyon ang kanyang matagal nang legal na laban.
Gayunman, nakahanda rin umano ang aktor na tanggapin ang magiging resulta ng proseso sa oras na tuluyan nang matapos ang lahat ng legal na hakbang.










