Sinabihan ni US President Donald Trump si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na tigilan muna ang pag-atake sa mga energy facilities ng Iran.

Ayon kay Trump, nakausap niya sa telepono si Netanyahu kung saan sinabi niyang huwag niya munang atakihin ang oil at gas facilities ng Iran.

Giit nito na hinding-hindi gagawin ng US na bombahin ang anumang oil at gas facilities ng Iran.

--Ads--

Una ng sinabi ni Trump na walang kinalaman ang US sa ginawa ng Israel sa pag-atake ng oil at gas facilities ng Iran.