Sumiklab ang isang sunog sa gas pipeline ng Petronas sa labas ng Kuala Lumpur sa Malaysia na nagdulot ng pinsala sa 33 katao, ayon sa mga awtoridad.

Anim ang dinala sa ospital, habang patuloy ang pag-apula ng apoy.

Bukod dito ay may mga na-trap sa mga bahay sa Kampung Kuala Sungai Baru, at isinasagawa ang pagsagip.

--Ads--

Ayon sa Petronas, na-isolate na ang pipeline, ngunit naapektuhan ang ilang tahanan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa lawak ng pinsala sa lugar.