BOMBO DAGUPAN – Babalik sa Maynila ang South Korean actor na si Wi Ha Joon ngayong Setyembre para sa isa pang fan meet.

Sa isang social media post, inihayag ng event promoter na Ovation Productions na gaganapin ng “Squid Game” star ang kanyang fan meeting, na “A Wively Day,” sa Setyembre 15, alas 7 ng gabi, sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Ang mga tiket ay magsisimulang ibenta mula Hulyo 19 sa pamamagitan ng Ticketnet.com.ph

--Ads--

Idinaos ni Ha Joon ang kanyang unang fan meet sa Maynila noong Mayo 2023, na inorganisa ng Bench kung saan kabilang siya sa mga international ambassador ng local clothing giant.

Sumikat si Ha Joon matapos gumanap sa hit series ng Netflix na “Squid Game,” kung saan gumanap siya bilang police detective na si Hwang Jun Ho at kilala rin siya sa seryeng “Little Women” at “The Worst of Evil,” thriller na pelikulang “Midnight,” at iba pa.

Samantala, ay gagampanan ni Ha Joon ang kanyang papel sa “Squid Game 2,” na katatapos lamang ang paggawa noong nakaraang buwan.