DAGUPAN CITY- Patuloy na ipinapatupad sa Rehiyon 1 ang Service Contracting Program bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang pampublikong transportasyon sa bansa.
Sa ilalim ng programa, binibigyan ng subsidiya ng gobyerno ang mga operator at drayber para matulungan silang maipagpatuloy ang hanapbuhay sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kasabay nito, nakikinabang din ang mga pasahero sa mga diskwento sa pamasahe, lalo na ang mga senior citizen, persons with disabilities, at estudyante.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga sasakyang pampubliko na mapapasailalim sa programa para palawakin ang saklaw ng serbisyo sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
Pinaiigting din ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga transport group para sa maaasahang sistema ng transportasyon.
Layunin ng programa na mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng sektor ng transportasyon habang tinitiyak ang abot-kaya, ligtas, at episyenteng biyahe para sa lahat ng pasahero.










