Itinanggi ni Senator Francis “Chiz” Escudero na hinangad o hiningi niya ang posisyon bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa kaniyang unang talumpati bilang pinuno ng impeachment court ngayong Lunes, Hulyo 6, 2026, tahasang sinabi ito ni Escudero matapos siyang ihalal ng mayorya ng senator-judges bilang presiding officer sa botong 12-8.
Binigyang-diin din ni Escudero ang kahalagahan ng pagiging patas at walang kinikilingan sa paglilitis.
Ipinaalala niya sa kaniyang mga kasamahang senator-judges na ang impeachment ay hindi isang entablado para sa personal na atake o paghihiganti sa pulitika.
Kaugnay nito, hinimok niya ang magkabilang panig, ang prosekusyon at ang depensa, na umiwas sa pagbibigay ng mga pahayag sa publiko habang umuusad ang paglilitis at magpokus lamang sa merito ng kaso.
Aniya, ang tanging trabaho ng Senado ay magbigay ng hustisya base sa ebidensya at batas, pabor man o hindi ang publiko sa magiging resulta.










