Mga kabombo! Bukod sa mga agaw pansing nitso sa pampublikong sementeryo.

Trick or treat, dahil, Aba! Agaw pansin din ang nitso sa Kalinga at tila naging tourist spot pa!

Ayon sa ulat, itinuturing na mala-tourist spot ang Nambaran Artistic Tomb sa Tabuk City sa Kalinga dahil sa kakaibang disensyo at makukulay nitong mga nitso.

--Ads--

Makikita kasi sa naturang sementeryo ang ilang nitso na hugis barko, ibon, sapatos, truck at iba pa. Very creative talaga ang mga ito!

Paliwanag naman ng lokal na pamahalaan ng Tabok City, ginawa ng tradisyon ng mga residente sa huling hiling o paboritong bagay ng namatay ang magiging hugis ng kaniyang nitso.

Kung kaya’t ngayon, tila isa na rin ang Nambaran Artistic Tomb sa mga pangunahing pasyalan sa Kalinga.