‎Nagpatupad ng modified schedule ang Department of Education sa mga paaralan sa Pangasinan dahil sa matinding init. Sa ilalim ng bagong iskedyul, magiging alas-sais hanggang alas-diyes ng umaga o alas-dos hanggang alas-sais ng hapon ang pasok.

Layunin nito na mabawasan ang face-to-face classes sa oras na pinakamainit at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
‎
‎Sinabi ni Fatima R. Boado, Schools Division Superintendent ng SDO I Pangasinan na may granular na pagpapatupad ang modified schedule. May mga komunidad na agricultural at forested area na kaya pa ang init kaya tuloy pa rin ang klase.

May iba naman na magsu-suspend o magshi-shift sa alternative delivery modes tulad ng online, hybrid at modular. Naka-base sa competency ang pag-aaral kaya kahit mabawasan ang face-to-face ay tuloy pa rin ang pagkatuto.
‎
‎Binigyang-diin na ini-intensify ang monitoring sa bahay ng study habits ng mga bata. Kahit naibigay na ng guro ang tamang content, tulad ng pagtuturo kung paano mag-solve ng word problems, kailangang sundan ito ng magulang sa bahay lalo na kung modular ang mode.

--Ads--

Pinaalalahanan ang mga magulang na bigyan ng isa o dalawang oras ang kanilang mga anak para tutukan ang kanilang study habits.
‎
‎Ayon sa DepEd, nakakaawa ang ilang bata na pagdating mula sa eskwela ay diretso agad sa farm work at wala nang oras para magpahinga o gumawa ng assignment. Kaya ipinapakiusap sa mga magulang na bigyan ng panahon ang kanilang mga anak.

Iba ang may sariling study habits at mas nagiging maayos ang pagkatuto kapag may gabay at suporta sa bahay.