DAGUPAN CITY– Handa na ang Subic Bay Metropolitan Authority para sa mga atleta at delegadong mauunang darating para sa 2019 sea games.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan mula noong malaman nila na isa ang SBMA sa mga napiling Venue sa sea games ay agad na naghanda ang nabanggit na pamunuan.

Sa katunayan ayon sa pamunuan nito kalagitnaan pa lamang ng 2018 ng mag umpisa nilang ihanda ang mga Venue maging an mga Billeting areas doon.

--Ads--

Napag alaman na baka may mga advance party na ang darating at tuluyan namang makukumpleto ang mga mananatili dito sa oras na pormal ng mag-umpisa ang seagames sa November 30.