
DAGUPAN CITY- Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Dagupan na kilalanin si Sen. Risa Hontiveros bilang honorary “Adopted Daughter of City of Dagupan.”
Sa ilalim ng Draft Resolution no. R-109-2026, kinikilala ang mga katangi-tanging kontribusyon ni Sen. Risa Hontiveros sa pagpapabuti ng syudad ng Dagupan, partikular na sa pagsuporta nito sa pamamagitan ng pagpondo sa One Bonuan Pavillion at Allied Tourism Facilities.
Gayundin sa adbokasiya nito sa mental health at vulnerable sectors na nagpatibay sa mga inisyatiba nakabatay sa komunidad.
Ayon kay Coun, Michael Fernandez, matagal na itong namamalagi sa lungsod upang magbigay suporta, bagay na nararapat lamang maipasa ang resolusyon.
Buong sinusuportahan naman ni Coun. Karlos Reyna ang nasabing resolusyon.
Aniya, isa si Sen. Risa Hontiveros sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na may malaking naitulong sa syudad ng Dagupan.
Bukod sa mga pinondohang proyekto, taon-taon din nagsasagawa ng mga programa ang senadora para sa ikabubuti ng mga Dagupeños.








