Dagupan City – Nagpayo ang San Roque Power Corp. sa mga magsasaka na ilipat sa Hulyo ang susunod na taniman ng palay dahil sa epekto ng matinding El Niño at pabago-bagong panahon.
Ayon sa pamunuan, magpapatuloy ang operasyon ng San Roque Dam hanggang katapusan ng Mayo ngunit pansamantalang ititigil mula Hunyo 1 hanggang 15 upang makabawi ang tubig.
Ipinunto rin ng korporasyon na nagbago na ang dating iskedyul ng tag-ulan kaya kailangang baguhin ang kalendaryo ng pagtatanim.
Samantala, ayonsa pamahalaangpanlalawigan, nagbabala na ang mga ahensya ng gobyerno hinggil sa kakulangan ng suplay ng patubig.
Dahil dito, may pangamba na hindi matutugunan ang irigasyon sa libo-libong ektarya ng sakahan.
Isinusulong din ang rehabilitasyon ng Paitan Dam upang makatulong sa suplay ng tubig.










