Dagupan City – Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Quintin sa isinagawang Signing of the Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapatupad ng Mt. Caraballo Critical Habitat for Philippine Deer and Other Wildlife Threatened Species.

Layunin ng kasunduan na palakasin ang mga programa at hakbang para sa pangangalaga, proteksyon, at konserbasyon ng wildlife at biodiversity sa lugar, partikular ang mga nanganganib na species at kanilang natural na tirahan.

Sa pamamagitan ng MOA, inaasahang higit na mapagtitibay ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at DENR sa pagpapanatili ng likas na yaman at pagsusulong ng mga hakbang para sa pangmatagalang proteksyon ng mga yamang biodiversity ng San Quintin.

--Ads--

Binibigyang-diin ng inisyatiba ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan at komunidad upang mapangalagaan ang mga natural na tirahan ng mga wildlife species at matiyak ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Bahagi ang pagpapatupad ng Mt. Caraballo Critical Habitat ng patuloy na pagsusulong ng mga hakbang tungo sa pangangalaga ng biodiversity at likas na yaman sa bayan ng San Quintin.