DAGUPAN CITY- Ikinababahala ng Alliance of Concerned Teachers ang pagdami ng bilang ng mga kaso ng bullying sa Pilipinas.
Ayon kay Ruby Bernardo, National Chairperson ng grupo, kinokondena nila ang anumang porma ng bullying dahil sinasalamin nito ang uri ng environment sa isang paaralan.
Giit niya na mahalagang mapanatili ang ‘safe space’ ng mga mag-aaral sa paaralan sapagkat buong araw silang naroroon.
Sa bahagi ng grupo, nais nilang mapagtibay pa ang pagpapatupad ng Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act bilang bahagi ng pagtugon sa isyu.
Panawagan din nila ang pagpaparami ng guidance counsellor sa isang paaralan at sa pagppapalawak pa ng guidance counselling.
Maliban sa hindi nila hangad ang kapahamakan ng mga bata, hindi rin nila hangad ang maling paratang sa mga guro na naging pabaya sa kanilang trabaho sapagkat, karamihan ng mga insidente ng bullying ay nangyayari sa tuwing break time.









