Nakuha ni Elena Rybakina ang kanyang unang US Open trophy matapos talunin si Aryna Sabalenka, 6-4, 5-7, 6-2, sa women’s singles final sa Arthur Ashe Stadium nitong Sabado.
Hindi lamang titulo ang nakuha ni Rybakina sa kanyang panalo. Tuluyan din niyang inagaw kay Sabalenka ang No. 1 spot sa WTA rankings.
Bumawi si Sabalenka matapos makuha ni Rybakina ang unang set, ngunit naging dominante ang Kazakhstani star sa deciding set at tuluyang isinara ang laban sa 6-2.
Sa championship point, matapos ang isang double fault, agad na bumawi si Rybakina at nagsara ng laban sa pamamagitan ng service ace.
Ito na ang ikatlong Grand Slam title ni Rybakina at ikalawa niya ngayong 2026. Nauna niyang tinalo si Sabalenka sa Australian Open final.
Samantala, nagtapos ang 99-week reign ni Sabalenka bilang world No. 1. Nabigo rin siyang makumpleto ang three-peat sa US Open matapos ang kanyang mga titulo noong 2024 at 2025.










