Nagpatupad ng P3 rollback kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) o cooking gas noong Biyernes ng umaga ang mga LPG company.

Katumbas ito ng P33 bawas sa bawat 11-kilong tangke.

Ayon kay LPG Marketers’ Association (LPGMA) President Arnel Ty, ang pagbaba umano ng presyo ng LPG ay dulot nang mas murang shipping at transport costs.

--Ads--

Posible pa umanong masundan ito ng panibagong rollback depende sa galaw ng presyo ng langis sa merkado.

Samantala, maalalang nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order na nagsususpinde ng excise tax sa LPG at kerosene sa loob ng tatlong buwan bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng krisis sa langis.