Dagupan City – Isinagawa ang rescue operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan noong Setyembre 10, 2026, kasabay ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa lugar.

Pinangunahan ni Police Major Fernan L. Rivera, Chief of Police ng Urbiztondo Municipal Police Station, ang operasyon kasama ang Urbiztondo Local Government Unit, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at iba pang rescue teams.

Agad na tinugunan ng mga responder ang sitwasyon sa Mabini Street upang mailikas at mailigtas ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

--Ads--

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad at lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente habang nagpapatuloy ang masamang panahon.