DAGUPAN CITY- Patuloy na binabatayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ang banta ng red tide sa rehiyon dahil sa banta nito sa kalusugan.

Ayon kay Rosario Gaerlan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, patuloy ang presensya ng red tide organisms sa katubigan ng rehiyon lalo na kapag hindi maganda ang lagay ng panahon.

Matatandaang naitala ang red tide warning sa mga baybayin ng Anda at Bolinao, Pangasinan, matapos makumpirma ang mataas na antas ng red tide toxin sa lugar.

--Ads--

Bagama’t hindi direktang naaapektuhan ang mga shellfish, ang panganib ay naroon sa mga taong kumakain ng kontaminadong lamang-dagat.

Mapanganib ang nasbaing toxin dahil ito ay direktang nakaaapekto sa nervous system ng tao.

Hinihingi naman ng BFAR, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ang listahan ng mga mangingisdang naapektuhan upang mabigyan ng karampatang tulong.

Pinapayuhan ang publiko na umiwas muna sa pagkain ng shellfish mula sa mga apektadong lugar hanggang sa ideklarang ligtas muli ang mga ito ng BFAR.