Makararanas ng red rainfall warning ang ilang probinsya sa bansa tulad ng Zambales at Bataan dulot ng Southwest monsoon o habagat, base sa inilabas na anunsyo ng weather forecast kaninang alas-otso ng umaga, ngayong Biyernes, September 4.
Ilan sa apektadong lugar ay ang San Narciso, San Felipe, San Marcelino, Castillejos, San Antonio, Subic at Olongapo sa Zambales, kasama rin ang Dinalupihan sa Bataan.
Nangangahulugan na maaaring bumuhos ang 30 millimeters na ulan sa loob ng isang buong oras, at maaaring magdulot ng mga pagbaha sa ilang flood prone areas.
Narito naman ang listahan ng mga nasa ilalim ng orange rainfall warning:
Tarlac
Pampanga
Zambales (Botolan, Cabangan, Candelaria, Iba, Masinloc, Palauig, at Santa Cruz)
Bataan (Abucay, Bagac, Balanga, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar, Samal, and Hermosa); kasama rin ang
Bulacan (Hagonoy, Calumpit, Paombong, Malolos, Plaridel, Pulilan, Guiguinto, Balagtas, Baliuag, Bustos, Pandi, Angat, at Bulakan)
Ang orange warning ay nangangahulugan naman na pagbuhos ng ulan mula 15 mm hanggang 30 mm sa loob ng isang oras, at maaaring tumagal pa ito hanggang dalawang oras. Inaasahang magdudulot rin ng mga pagbaha ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga flood prone areas.
Itinaas naman sa Yellow Rainfall warning ang mga sumusunod na lugar:
Metro Manila
Rizal
Cavite
Bulacan (Bocaue, Meycauayan, San Jose del Monte, Dona Remedios Trinidad, Marilao, Norzagaray, Obando, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, and Santa Maria)
Laguna (Cabuyao, Santa Rosa, Binan, San Pedro),
Batangas (Laurel, Lemery, Calaca, Balayan, Tuy, Nasugbu, Lian, Calatagan); at
Nueva Ecija (Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Zaragoza, San Antonio, at Cabiao)
Ang yellow warning naman ay nangangahulugan ng pagbuhos ng 7.5 mm at 15 mm na dami ng pag-ulan sa loob ng isang oras at maaari ding magtagal ng hanggang dalawang oras, asahan din ang pagbaha sa ilang flood prone areas.










