DAGUPAN CITY- Pinatibay pa ng Sangguniang Panglungsod ng Dagupan ang proteksyon para sa mga kababaihan at kabataan matapos maipasa ang ordinansang pag-amyenda sa Teen Center ng syudad.

Ayon kay Coun. Jaja Cayabyab, ang naturang ordinansa ay magbibigay halaga sa pagtugon sa mental health ng mga kabataan at kababaihan at pagpapalakas pa ng suicide awareness, mental health literacy & peer support programs sa mga paaralan.

Aniya, pinalawak ang sakop nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Youth Crisis Help Line, mental health referral at response network, at ang pagtatag ng support groups na papangunahan ng Sangguniang Kabataan.

--Ads--

Tiniyak nilang mapapanatiling confidential ang mga ibabahaging karanasan sa pang-aabuso at iba pang mahahalagang impormasyon.

Saad pa ng konsehan na kinakailangan din umano maitugma ang pagpapatupad ng ordinansa sa kasalukuyang programa ng Department of Health (DOH) na patungkol sa peer support group playbook.

Aniya, ang naturang playbook ng ahensya ay ipinapakalat sa iba’t ibang paaralan.

Nilalaman nito ang mga training at mga materyal na kinakailangan upang maipatupad ang programa.