Bumaba ang produksyon ng mangga sa lungsod ng San Carlos dahil sa pagtama ng kurikong sa mga bunga nito.

Ayon sa City Agriculture Office, sumasailalim sa rehabilitasyon ang ilan sa mga punong mangga sa lungsod.

Para matulungan ang mga magsasaka na naapektuhan sa pagbaba ng produksyon ng mangga, isinusulong ng Agriculture office ang pagpapalago ng mais.

--Ads--

Pinulong nila ang mga magsasaka para sa target na 50 hectares corn plantation sa barangay Bocboc at Salinap sa nasabing lungsod.

Inaasahan na uumpisahan ang nasabing proyekto ngayong taon.