Dagupan City – May naitalang tensyon sa mga poll watchers at sa pagitan ng dalawang supporter ng magkabilang partido sa bayan ng San Quintin dakong alas-7 ng umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMSg. Luke Vergara Locquiao, sinabi nito na nagkaroon ng initan sa dalawang panig at umabot sa mainit na sagutan.

Agad namang nakakuha ng authorization ang himpilan ng San Quintin para mabilis na maayos ang pangyayari at pagkamit ng mapayapang eleksyon ngayong 2025.

--Ads--