DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng karagdagang isang buwan ang mga Securities and Exchange Commission (SEC) registered corporations na magsumite ng kanilang annual financial statements sa nasabing tanggapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Helen Veryan Valdez, Information Office ng tanggapan, ang orihinal na tinakdang deadline ay sa nalalapit na May 15 subalit, inilipat ito sa June 15 upang bigyan ng daan ang mga nakarehistrong korporasyon para habulin ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento.

Ayon kay Valdez, ito ay kabilang sa obligasyon ng mga korporasyon sa kanilang rehistro sa tanggapan.

--Ads--

Kinakailangan ay ang Electrictronic Filing And Submission Tool (E-FAST) Accounts upang maisumite ang mga scanned, pirmado, at napanotaryong mga dokumento.

Ang mabigong makapagbigay nito ay mahaharap naman sa karampatang kaparusahan na maaaring mauwi sa suspensyon.

Nagpaalala si Valdez na kinakailangang ‘audited’ ang mga umaabot ng P3-million ang assets at liabilities.

Habang pirmado lamang ng Corporate Treasurer at Presidente ng korporasyon ang kinakailangan sa mas mababa pang halaga.

Kanila pa rin ang tatanggapin ang mga ‘late’ nang magsumite ng mga dokumento subalit, may kabayaran na itong P1,000 kada buwan bilang minimum penalty.