Hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang alert level ng PNP Maritime para sa posibleng rescue operations sa coastal areas ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Captain Richard Macachor, Station Chief ng 102nd Maritime Police Station, partikular na kanilang titutukan ang paligid at kahabaan ng Tondaligan beach sa lungsod ng Dagupan.

Kasama namang binabantayan ng kaqnilang hanay ang iba pang munisipalidad gaya ng Sual, Labrador, Bolinao, Anda, Dasul at lungsod ng Alaminos.

--Ads--

Aniya ito ay pagtugon sa direktibang ibinaba mula sa kanilang higher quarters ng PNP para sa maagap na pagtugon sa kaligtasan ng kanilang nasasakupan.