Dagupan City – Nagsagawa ng Oplan Bandillo at pinaigting na police presence ang Aguilar Police Station kaugnay ng Ligtas Summer Vacation 2026 sa pagbubukas ng Maples River sa Brgy. Pogonsili.

Pinangunahan ni PMAJ Mark Ryan C. Taminaya ang visitation at pakikipagdayalogo sa mga turista, kalakip ang pamamahagi ng flyers at paalala sa mga alituntunin tulad ng itinakdang oras ng operasyon, pagbabawal sa pag-dive sa mababaw na bahagi, at mahigpit na pagbabantay sa mga bata.

Ipinagbawal din ang alak, pagtakbo sa gilid ng ilog, at maling pagtatapon ng basura upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lugar.

--Ads--

Hinimok ng PNP ang publiko na sumunod sa mga patakaran at makiisa sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran ngayong tag-init.