Dagupan City – Mga kabombo! Agaw pansin at tila ba’y nagpabilib sa nitizens ang pagkakaiba ng player sa Japan at France sa kategoryang basketball sa Paris Olympics 2024.

Ayon sa ulat, hinangaan umano ng mga netizens ang dedikasyon at pagiging professional ni Yuki Togashi ng Japan pagdating sa basketball sa Paris Olympics 2024.

Makikita kasi ang agwat ng laki ni Victor Wembanyama ng France sa player ng Japan na tila ba’y hindi ito naging hadlang para hindi niya bantayan ang katunggali.

--Ads--

Si Wembanyama kasi ay may height na 7’3 isa sa pinaka mataas na player sa basketball ng Paris Olympics habang si Togashi ay may taas na 5’6 na isa sa shortest player sa Olympics para sa Men’s basketball.

Ngunit sa kabila ng height different hindi rin ito naging hadlang sa magandang laro ng France at Japan sa naturang kompetisyon. Ngunit sa huli ay nakuha ng France ang win game sa score na 94 habang 90 naman ang nakuhang score ng Japan.