Natapos na ang impresibong kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa Wimbledon matapos siyang matalo kay Italy’s Jasmine Paolini, 4-6, 6-4, 3-6, sa Round of 16.

Mabilis na nagpakitang-gilas si Paolini sa unang set, agad na umabante sa 4-1.

Sinubukang humabol ni Eala at nakakuha ng tatlong panalo sa sumunod na apat na laro upang mapalapit sa 5-4, ngunit nagawang isara ni Paolini ang set sa 6-4.

--Ads--

Sa ikalawang set, nagpakita ng determinasyon ang Filipina tennis star.

Mula sa 3-2 na pagkakahuli, sunod-sunod niyang napanalunan ang tatlong laro upang makuha ang 5-3 na kalamangan.

Kahit nakabawi si Paolini sa isang game, nanatiling kalmado si Eala at na-close out ang set upang maitabla ang laban.

Sa deciding set, naging dikit ang laban at umabot sa 3-3.

Gayunman, nanaig ang karanasan ni Paolini sa huling bahagi ng laban matapos niyang mapanalunan ang tatlo sa huling apat na laro upang tuluyang makuha ang panalo at makapasok sa quarterfinals.

Sa kabila ng pagkatalo, kinilala ang naging matibay na performance ni Eala sa buong torneo, na nagpakita ng malaking pag-unlad sa kanyang international tennis career.