DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Sinong nagsabi na may age limit ang panganganak?

Aba, pinatunayan lang naman ng pinakamatandang wild bird sa mundo na age doesn’t matter!

Sa edad na kasi na 74, ang pinakamaturid na wild bird sa buong mundo na si Wisdom, ay muling nagbalik sa Hawaii at naghatch ng kanyang unang itlog matapos ang apat na taon.

--Ads--

Ayon sa mga opisyal mula sa U.S. Wildlife, si Wisdom, isang Laysan albatross, ay bumalik sa Midway Atoll National Wildlife Refuge sa Pasipiko at nagsimulang makipag-ugnayan sa kanyang bagong ka-partner na lalaki.

Si Wisdom, na kilala bilang “reyna ng mga seabirds,” ay bumabalik taon-taon sa parehong pugad.